Pinakabagong Balita – CUHK MDW

What are you looking for ?

Pinakabagong Balita

Pinakabagong Balita

Search Icon SVG
Down Arrow Svg
  • Year
  • 2024
  • 2023
Down Arrow Svg
  • Month
  • January
  • February
  • March
  • April
  • May
  • June
  • July
  • August
  • September
  • October
  • November
  • December
Filters

Category

  • All
  • Announcement
  • News
  • Uncategorized @ph

May 2024

Sun

26

26 May, 2024 | 5:26 PM

News

Give Care to Caregivers Service Fair (May 26, 2024)

Napakasaya naming sumali sa Mission For Migrant Workers’ Give Care to our Caregivers service fair para sa mga migrant domestic workers noong May 26!😄 Nagsagawa kami ng well-being checks para sa mga bumisita sa aming booth para malaman nila kung kamusta ang kanilang mood recently. Binigyan namin sila ng ligtas at non-judgmental na lugar para maglabas ng nararamdaman at kamustahin sila. Kung stressed ka ngayon o kailangan mo lang ng kausap nang anonymous, mangyaring mag-send sa amin ng mensahe sa whatsapp sa 91613074 ❤️

More Details Right Arrow SVG

Tue

14

14 May, 2024 | 5:26 PM

News

Mental Health at Self-Care Talk sa Indonesian Consulate (May 14, 2024)

Noong May 14, nagkaroon kami ng pagkakataong magbahagi tungkol sa mental wellness para sa mga bagong dating na Indonesian domestic workers sa KJRI HK o Consulate General of the Republic of Indonesia HK. Mga 150 na kalahok ang natuto tungkol sa mental health at mga nakakatulong na tips para ma-manage ang stress. Nagpapasalamat kami sa pagkakataong ito at sana magpatuloy pa ang pagsali ng mga Indonesian na kalahok sa aming mga activity at serbisyo.

More Details Right Arrow SVG

Mon

13

13 May, 2024 | 5:25 PM

News

Dream Catcher Training 4th Round Graduation Ceremony (May 12, 2024)

Noong May 12, isinagawa ang graduation ceremony para sa ika-apat na round ng Dream Catcher Training Programme 🎉😄 Hanga kami sa lahat ng aming mga nagtapos na nakakumpleto ng mga kurso tungkol sa Peer Leadership, Karapatan ng mga Domestic Workers, Arts for Wellness, Mental Health & Self-Care, Caregiving, at Digital Literacy! Maraming salamat sa aming mga trainers at partners kabilang ang Christian Action 基督教勵行會, Be Priceless, at ang aming guest na si Ms. Remilyne mula sa Philippine Overseas Workers Welfare Administration. Ang training programme na ito ay suportado ng Mental Health Initiatives Funding Scheme Phase 2 by Health Bureau HKSAR.

More Details Right Arrow SVG

Sun

12

12 May, 2024 | 5:25 PM

Announcement

DIY Flower Crafts Workshop (May 12, 2024)

Kahapon nang umaga, sinimulan namin ang aming😍 Mothers’ Day celebration sa aming DIY flower crafts making workshop kasama si Gigi Craft! Gumawa lahat ng mga rosas 🌹 at cherry blossoms🌸. Kahit na malayo man tayo sa ating mga pamilya, kasama naman natin ang ating supportive na mga kaibigan😄 para mag-celebrate! Salamat din sa lahat ng mga trainers mula sa Kasambuhay Hong Kong Foundation na tumulong kahapon! ❤️ Lahat ay nag-enjoy at natuto!

More Details Right Arrow SVG

April 2024

Sun

28

28 April, 2024 | 5:25 PM

Uncategorized @ph

Macrame Bracelet Making Workshop (Apr 28, 2024)

Kahapon, isinagawa namin ang Macrame Bracelet Making workshop kasama ang Sunflower Group 🌻 Pinasaganda ng mga purselas na ito ang aming maulan na Linggo! Katulad ng buhay, ang proseso ng paggawa ng purselas ay tinuturuan tayong gawin ang mga bagay bagay nang step by step, huwag magmadali, matuto mula sa ating mga pagkakamali, at huwag sumuko! 💖

More Details Right Arrow SVG

Sun

7

7 April, 2024 | 4:01 AM

News

Daan tungo sa Kapanatagan ng loob Art Exhibit Opening Ceremony (Apr. 7, 2024)

Maraming salamat sa lahat ng aming mga kaibigan at taga-suporta na dumalo sa aming Path to Well-being Exhibit Opening at Awarding Ceremony kahapon! 🤩Sana ang exhibit na ito ay hindi lamang maging pagdiriwang ng mga talento ng mga malilikhaing migrant domestic workers kundi maging paraan din ito para magkaroon ng kaalaman ang publiko tungkol sa mental health at para maging bukas tayo sa paghingi ng tulong kung kailanganin natin🥰. Araw-araw bukas ang exhibit hanggang April 21 kaya mangyari lamang bisitahin ang G/F of The Center at 99 Queen’s Rd Central (malapit sa Sheung Wan MTR Exit E1). Kung gusto ninyong malaman ang tungkol sa kumpetisyon at exhibit o makita ang lahat ng mga entry sa kumpetisyon, pumunta sa aming website. Higit sa lahat, gusto namng magpasalamat sa mga miyembro ng aming grupo, mga tumutulong na estudyante, mga nagboluntaryo, at mga partner namin na tumulong sa amin dito sa kumpetisyon, exhibit, at higit pa! ❤️ Maraming salamat sa Mental Health Initiatives Funding Scheme Phase II of Health Bureau, sa Faculty of Social Work of CUHK, Urban Renewal Authority, H6 CONET, Consulate General of Republic of Indonesia, Philippine Consulate General, Guhit Kulay, Mission For Migrant Workers, PathFinders for Migrant Workers, Enrich HK, EmpowerU, Mind HK, Peduli Kasih HK, HelpBridge, Migrant Writers of Hong Kong, Filipino Nurses Association Hong Kong, Social Justice for Migrant Workers, Domestic Workers Corner HONG KONG, Horizons, SAT Saung Angklung & Tari, Kobumi, at sa lahat ng aming taga-suporta.

More Details Right Arrow SVG
chat chat
This site is registered on wpml.org as a development site. Switch to a production site key to remove this banner.